For there are three that bear record in heaven, the Father, the Word, and the Holy Ghost: and these three are one. (1Jn 5:7, KJV) |
Source: PAGLILINAW (Sa
Paniniwalang Katoliko) DEBATE FORUM
Christina Dela
Cruz
Ang Dios ng Kristiano, convertable?
Noong nasa langit pa ang Diyos, ang tawag sa
kanya ay, "Diyos Ama."
Nang magkatawang-tao na at bumaba sa lupa, ang
tawag na sa kanya ay "diyos anak" na.
about 2 weeks ago
Aquino Bayani
Mga kapatid, ang Diyos ay Espiritu. Ang Panginoong HesuKristo ay Diyos na
nagkatawang tao (Jn 1:14; 1Tm 3:16). Ang Espiritu ng Diyos at Espiritu ng
Panginoong HesuKristo ay iisa (Jn 10:30). Ang Diyos ay iisa pero Siya'y
pinakamakapangyarihan sa lahat, at ang pag-bilocation ay isang child's play
lang sa Kanya. Ang Diyos ay palaging
nasa langit at ang inutusan niyang Diyos para lalangin ang lahat lahat ay ang
kanyang Bilocation o sariling Espiritu Niya na nananahan sa Kaluluwa ni Kristo
na tinawag niyang Anak sapagkat Siya'y galing sa Kanyang sinapupunan (bosom, Jn 1:18). Ang
kaluluwa ni Kristo ay begotten ng Diyos kaya natural na mababa ito kesa sa
Espiritu ng Diyos, pero ang parehong Espiritu ng Diyos ay na-infused nga sa
Kaluluwa ni Kristo kaya Siya at ang Ama ay tunay na iisang Diyos. God bless us all.
September 9 at 9:00pm via mobile
Christina Dela
Cruz
Saan mababasa sa Bibliya na sinabi ng Diyos
mismo o ni Jesus mismo ang mga ganya ipinaliwanag mo kapatid na Aquino. Magbigay po tayo ng malilinaw na ebedensya sa
bawat sinasabi natin. Huwag pong
sariling opinyon lamang.
September 9 at 9:16pm via mobile
Aquino Bayani
Mga kapatid. Kaya
hindi natin maunawaan ang hiwaga ng Diyos ay dahil sa isang maling paniniwala
nating mga sangkatauhan na tayo ay gawa sa katawan at kaluluwa lamang. Mayroon din po tayong espiritu, ayon na rin
kay San Pablo: “Nawa'y lubusan kayong pabanalin ng Diyos na siyang nagbibigay
ng kapayapaan. At nawa'y panatilihin
niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan---ang espiritu, kaluluwa, at
katawan---hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo (1Thes 5:23).”
Ito naman ang sinabi ng Aklat ng Karunungan (Wisdom): “Dahil
sa hindi niya kinilala ang Lumikha na nagkaloob sa kanya ng isang may bisang
kaluluwa, ng isang buhay na espiritu (Kar 15:11).”
Sa Ingles ay ganito: “Because he knew
not the one who fashioned him, and breathed into him a quickening soul, and
infused a vital spirit (Wis 15:11, NAB).”
Ang espiritu ng pangkaraniwang tao ay “spark” na galing sa
Espiritu ng Diyos kaya ito ay nagtataglay ng sariling buhay, na siya ring
bumubuhay sa ating mga nilalang na kaluluwa at katawan. Ang Espiritu ng Panginoong HesuKristo ay hindi
isang “spark” lamang kundi ang Espiritu ng Diyos mismo na pinanggagalingan ng
mga espiritu natin na mga “spark” lang ng Kanyang hindi lalang na Espiritu ng
Diyos. Ayon sa Bibliya: “Sapagkat ang
buong kalikasan ng Diyos ay na kay Cristo nang siya'y maging tao (Col 2:9).”
Ito naman ang patotoo ng Panginoong HesuKristo na ang
Espiritu ng Diyos (o ng Ama) ay nasa Kanyang Kaluluwa, at ang Kanyang Kaluluwa
ay nasa Ama (o Espiritu ng Diyos):
“Ngunit kung ginagawa ko iyon, paniwalaan ninyo ang aking
mga gawa, kung ayaw man ninyo akong paniwalaan. Sa gayon, matitiyak ninyong nasa akin ang Ama
at ako'y nasa kanya (Jn 10:38).”
“Hindi ka ba naniniwalang ako'y sumasa-Ama at ang Ama'y
sumasaakin? Ang mga salitang sinasabi ko
ay hindi ko sinasabi sa ganang aking sarili. Ang Amang sumasaakin ang gumaganap ng kanyang
mga gawain. Maniwala kayo sa akin: ako'y
sumasa-Ama at ang Ama'y sumasaakin. Kung
ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga gawang ito (Jn 14:10-11).”
Kaya nga ang nasusulat ay ganito: “Ang Diyos ay Espiritu
kaya dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan (Jn 4:24), ” na ang ibig sabihin ay dapat sambahin
natin Siya sa pamamagitan ng ating espiritu – lalang na espiritu natin ang
dapat sumamba sa hindi lalang na Espiritu ng Diyos at ni Kristo: “Ngunit hindi
na kayo namumuhay ayon sa laman kundi ayon sa Espiritu, kung talagang nananahan
sa inyo ang Espiritu ng Diyos. Kung ang
Espiritu ni Cristo'y wala sa isang tao, hindi siya kay Cristo (Rom 8:9).” Nabasa
ba niyo, mga kapatid, na interchangeable ang Espiritu ng Diyos at Espiritu ni
Kristo na nananahan sa ating kaluluwa? Iyan ay sapagkat Sila’y Iisa: “Ako at
ang Ama ay iisa (Jn 10:30).”
September 9 at 11:03pm